Isang tulang alay para sa isang kaibigan...
Isang dapit-hapon, isang kuwento ang aking nasaksihan
Habang ang liwanag ng araw at dilim ng gabi ay naglalaban
Sa dako pa roon ng kawalan ay aking napagmasdan
Ang isang bulaklak na may pambihirang kagandahan
Isang kagandahang tumubo sa gitna ng kawalan
Sumibol sa lugar ng isang tila lumang libingan
Sa lakas ng hangin at patak ng ulan
Nanatiling nakatayo, di natinag kailanman
Ang kanyang ganda’t tatag ay aking hinangaan
Iilang bulaklak lang ang may ganitong katangian
Maraming bulaklak man ang maaaring nariyan
Ang bulaklak na ito ay ‘di matatawaran
Hanggang may isang tuyot na lupain at bukirin
Hanggang may isang hindi magandang tanawin
Ang iyong kagandahan ay kailangan man din
Huwag kang maluoy, huwag kang pawiin
No comments:
Post a Comment